Archive for February, 2007

MMDA….WTF!!!!!!

Monday, February 26th, 2007

Muntik na naman akong mahuli ng mga MMDA boys, ngayon naman sa may  edsa flyover sa papuntang pasay/alabang/manila. Nahuli ako dahil swerving daw ako. tinatahak ko ang kahabaan ng edsa papuntang alabang, ng malapit na ako sa flyover papuntang alabang, may bus ba namang nakaharang sa daraanan ko. ung bus na ito, malapit na malapit na sa flyover. kung alam nyo ung flyover na papuntang pasay/alabang, hindi ba madaming bus sa may right side nun, kc may matalinong mmda na nag lagay ng sakayan ng bus doon. sa pagkakaalam ko mga bus na pang alabang lang ung nan dun.pero itong bus na ito sa harapan ko eh papuntang pasay, so syempre kelangan nya iliko ung  bus pa kaliwa para maka punta ito sa flyover pag katapos nyang magpick up ng pasahero.sa posisyon nya, medyo na harangan nya ung lane namin na papuntang alabang. syempre bilang driver, kelangan mo iwasan ung bus. nakatutuok na ako sa bus nun, so pag kaliwa ko para mag overtake..heto na si mr MMDA na pinapatabi na ako..huli. pag tabi ko..un na, swerving daw. ako naman ayaw ko pumayag na may violation ako, pero habang nag papaliwanag ako, binagay ko na lang ung lisensya ko at rehistro para wala ng iba pang isampa sa akin. tinanong pa ako kung saan ako papunta, sinabi ko pauwi na.tinanong n din ako kung saan ako galing, sabi ko sa ayala sa office. tapos sabay bigay ng id ko sa opis.tapos nung sinasabihan na ako na titiketan na..nag paliwanang ako.sinabi ko na ang swerving kung nakita mo ako sa bandang left, bigla akong kumanan para makaakyat sa flyover at the last moment. eh sabi ko ‘nakita mo naman akong nasa likuran ng nakaharang na bus diba..iniiwasan ko lang ung bus’. sinabihan ako bigla na dapat sinundan nyo na lang ung mga sign board sa kalsada.so sinagot ko naman siya ng ’ser, kung susundan ko ung signboard, kahit nasa ilalim na ako ng alabang sign, sa pasay naman ang tuloy ko kc hindi naman sakto ung sign board nyo sa kalsada’. sabay sinabi ko na ‘kung hindi ba naman nakaharang yang bus eh bat ko naman iiwasan diba? nakita nyo ba ako na nasa left most lane tapos biglang kumabig sa kanan? nasalikod ako ng bus diba? so bakit nyo ako sasabihan ng swerving?’ sa puntong iyon, sinabi na lang sa akin na sige hindi na kita titiketan. Mabuti at nag basa ako ng traffice rules at violations nung friday last week. kung alam nyo na wala kayong ginagawang traffic violation, ipaglaban nyo. kc minsan, nag aabang lang naman yang mga iyan ng driver na hindi papalag. kung natiketan man nila ako, ipaglalaban ko naman iyon sa mmda eh..pipicturan ko pa ung nanghuhuli at ung bus na nasalikuran ko ng mga oras na naitabi ko na ung sasakyan ko.