i cant sleep
Friday, November 10th, 2006Hindi na naman ako makatulog. nasanay na akong ganito. masama nito papasok pa ako tom. hmm…magising kaya ako maaga. currently watching southpark para pampaantok. ang topic nila ngayon about catholic priest and child molestation. alam ko wierd pero ganun talaga ang southpark. lahat ng current events ginagawan ng satirical cartoons.kung gurang kayo at uptight..hidni nyo magugustuhan yung cartoons. pero kung ok lang sa inyo ang ganun..na for fun lang lahat..you’ll like it. Vulgar and profane talaga ang show. makulit talaga..hehehe nawili ako sobra sa show nung highschool pa ako. pinapalabas lang ito sa WOWOW na channel. minsan japanese sub pa pag minamalas. recently na discover ko cya sa jack tv and sa youtube..so i got my fill again on the past eps nahindi ko napanuod. dunno kung wierd lang sense of humor ko pero patok sa akin ung show hehehe..baka kelangan updated ka din sa current events para ma appreciate ung show. current events regarding america and ung global events na talagang pinaguusapan. saatin kc sa mga sit-coms mo lang mapapanuod ung ganun, pero toned down version kc baka masuspend sila ng mtrcb pag nagkataon.
ngayon nasa kwento mode ako..kwento ko na din nangyari kanina sa akin pauwi. ung sinasakyan kong fx kanina nakaaway ko ung driver. panu ba naman, nung nasa bandang alabang flyover na kme naisipan ba namang gumamit ng cellfone.buti sana kung naka headfone cya or wireless eh..kaso gamit nya ung handset nya.so ung kanang kamay nya nasa fone ung kaliwa lang ung nasa manibela..eh diba paakyat un, then malubak..then paliko so kelangan mong hawaka ung manibela talaga para hindi matagtag. grabe na ung tagtag ng sasakyan tapos ang bilis pa nya mag patakbo. so ako as a concerned and educated passenger/driver pinagsabihan ko na itabi na lang muna nya kung makikipagusap cya.. sinabi ba naman sa akin na ‘nakikita ko naman ung kalsada’. WTF was that answer? anung relevance kung nakikita mo ung kalsada?bakit pag nakikipagusap ka ba nakapikit?nak ng tinapa..so sinagot ko cya ng ‘hindi naman dahil nakikita mo ung kalsada pwede ka ng makipagusap sa fone.bawal yang ginagawa mo eh.concerned lang naman ako baka madisgrasya tayo’ tapos sumabat ung matandang katabi kona pinagsisiksikan ung katawan nya sa upuan kahit alam nya na apat kmeng nakaupo sa gitna. ‘delikado yang ginagawa mo’ pusang malaki..alam mo pala bakit nung sinabi ko tsaka ka nag react. pinoy nga naman.. laging I second the motion.buti naman at sumunod sya..although alam ko na nasaktan ko ung pride nya bilang driver..kung hindi pa cya tumigil sa fone nya..dami ko pang sasabihin eh. ’san ka ba nagaral magdrive?’, ‘bakit ka nabigyan ng lisencya, nanuhol ka ba sa LTO?’, or ibababa ko ung wind shield tapos tamang tama may lto sa highway, sisigay ako ng ‘manong colorum!!!’..hehehe. sarap pagsabihan ng mga driver na ito lalo na pag hindi sumusunod. ung alam na nilang mali sila tapos gagawa pa ng excuse para hindi sabihing mali ginagawa nila..typical pinoy nga naman hehehe..
cge..next tym ulit..pag naalala ko mas lalo akong hindi aantukin nito.