No Masla!

No Masla! yan ang masasabi ko sa travel ko from manila to pakistan. Matagal nga lang..halos 15 hrs ang travel. 3 hrs na flight from manila to singapore. tpos hintay kme ng 3 hrs bago lumipad papuntang lahore. 5 hrs 30 mins din un. tapos hintay ulit ng 1 hr bago lumipad papuntang final destination "KARACHI".

During the flight, kain at panunuod lng ang ginawa ko.wala kc akong portable media player tulad ni ‘Shey or handheld game tulad ni Roy or goks. hindi ko naman magamit flight mode ng cell ko kc wala naman akong nailagay na music.nag reformat kc ko ng pc dati..hindi ko nasave ung mga mp3.

sa sing, hindi na ako lumabas, tinamad na kc ako.sasamahan ko dapat si mam maricel sa raffles at bili sana ako ng plantsa. pero dahil sa tinamaan na ako ng katamaran..hindi na ako lumabas. nag stay na lng kme sa loob at nag net. nag laro pa ako ng xbox ng free :D. at dahil na sa sing..hindi ko na naman naiwasan at mamangha sa mga nagseseksihang mga dilag na naroon. sa plane nga natipuhan ko ung isang stewardess, wendy ata name nya. singaporean cya.pero wow, cute cya hehehe.

ung flight naman from sing papuntang lahore ang medyo ayaw ko. una kc 5 hrs cya..which is very tiring. just like sa manila-sing, kain at watch lang gawa ko.pero natulog din ako ng konti.nabasa ko kc na kapag nag cross ka ng timezones tendency eh magka jetlag ikaw. para maiwasan un, kelangan matulog kaw para makaadjust katawan mo. so ginawa ko..pero hindi naman whole flight tulog..masama din un. nakatulog ako ng 1hr sa flight, wala kc akong katabi sa row ko so nakahiga ako duns sa 3 upuan. solve solve nga kc madaming gumawa din ng ganun. isa pang ayaw ko sa flight na ito eh medyo malakas ang amoy ng mga kasabayan namin. masakit sa ilong kumbaga, na parang gus2 kong mag karoon ng sipon then and there para lng hidni ko maamoy.

nagulat pa ako nung makita ko si sir krishna at mam catherine sa plane. hindi namin alam kc na andun din sila sa same flight. ag cr ako nun, pag balik ko andun na sila..nagtaa pa ako kung cya nga talaga or kamukha lng.

pag dating sa lahore, nag babaan na ung ibang pasahero(buti naman) at medyo naging ok ng konti ung nalalanghap mong hangin. although may residue pa din kc naman 5hrs din kulong ung amoy na iyon, atleast ung mga sources kumonti. nagtabi na kme nila mam maricel at sir efren at nag kwentuhan na lng.dumating pa si sir danny kaya medyo oki din :D

Pagdating sa karachi, 930pm na un. same lng ung airport nila sa naia natin. nung kinuha ko na ung luggage ko, nagulat ako kc ang dumi kaagad.kainis. kitang kita ung dumi sa bag ko.grr..walang kwenta ung mga nag hawak sa luggage namin. pag dating sa immigration officer, medyo natuwa ako. kasunuran ko si mam maricel nun. ung immigration officer namin babae. ang bilis ng pagprocess sa akin, no questions ask. after ko si mam maricel naman ang prinocess. after nya, kinuwento nya sa akin na akala nung immigration officer magasawa kme, nung sinabi nyang hindi, magkasama lng sa work aba, sinabi ba naman na ‘i look good’ daw hehehe..siyempre laki ng ngiti ko. sinong magaakala na sa ibang bansa pa maapreciate ang pagiging good looking ko hehehe.

habang papunta sa Hotel namin, napansin ko na right hand drive ang mga sasakyan d2,syempre pati mga kalsada baligtad din ng sa atin.napansin ko din na parang nasa quiapo ako dumadaan, ang luluma na kc nung mga buildings. ang kalsada nila, ang kikianng, parang puro aspalto, ang dulas siguro ng kalsada nila.ang mga driver naman, walang pinagkaiba sa drivers ng jeepney sa atin.barubal din.parang kontin g mali disgrasya agad.

Pagdating sa Regent Hotel, napahinga ako ng malalim..’sa wakas’ makakapahinga na ako. pero bago ang lahat, nagkita kita muna kmeng lahat ng naroon na team mate sa room nila mam jess. bago bumalik sa room ko, humingi ako ke mam jes sng tubig at hiniram ang plantsa nya. wala kcng water sa room ko and kelangan kong plantsahin ang mga gagamitin ko sa ofis. 1230 na ako nakatulog matapos magplantsa. nag scan na din ako ng mga channel sa cable at tinaggal ko na ung mga indian channel na hindi ko naman talaga a papanuorin. aayusin ko pa ung mga channel sa mga susunod na araw kc may mga channels na umuulit lng (i.e. starmovies sa channel 4 tapos starmovies agen sa channel 24).

Leave a Reply