BSB BSB BSB
Kagabi, nanuod ako ng Backstreet Boys concert sa Araneta. 10 years ago, i never would have guessed na pag pumunta sila rito, ay manunuod ako. Medyo Corny sa akin ang boyband dati. (Naalala ko ang new kids on the block bigla). Pero as time passed, natutunan ko ding i-appreciate ang boyband. Masaya kagabi, lahat ng kanta na gusto kong marinig, kinanta nila. I want it that way, Show me the meaning of Being Lonely, All i have to give(with the hat routine) and As long as you love me. Ung iba bonus na lng sa akin tulad ng drowing, i still, Everybody, Larger than life. Sulit ung binayad ko, kahit 500 lang hehehe. Sa mga hindi nakanuod, baka ang next na pagbalik nila eh 50+ na sila.
alam mong may boyband tendencies ka kapag..
10. Nag tatalo kayo kung sino ang mas magaling, kung ang Nsync o Backstreetboys
9. Meron kang bodyfit na sweatshirt sa cabinet mo
8. May alam kang steps sa sayaw nila
7. Laging may ‘Baby’ ang first or last words mo
6. ginaya mo ang hairstyle nila
7. Sa playlist mo, may 2 kantang paulit ulit mong pinapatugtog
5. Sa karaoke, bigay na bigay ka sa pagkanta, pati hand gestures kopya mo
4. limang lalaki lang kayo sa barkada mo
3. Ang nickname mo ay hango sa name ng isang miyembro ng boyband
2. Naisip mong ikaw ang pwedeng pumalit pag nagdrugs o makasuhan ang isa sa kanila
1. Alam mo ang history ng boyband